Part 4 - "And in Jesus Christ, God's Only Son, Our Lord"

The Apostles' Creed  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 63 views
Notes
Transcript

True Christianity

Kapag ipinapakilala natin ang sarili natin, unang-una na sinasabi natin ay yung pangalan natin. “Ako nga pala si Derick.” ‘Yan ang pangalan ko. Pero yung mas mahalagang identity o pagkakakilanlan ko ay ang pagiging Christian: “I am a Christian.” Pero siyempre palasak na ‘yan, kasi halos lahat ng tao sa paligid natin sasabihin nila “Christian” din sila, ibang sekta nga lang, o sa pangalan lang (nominalism). Pero sana tayong lahat ay naiintindihan natin kung ano ang ibig sabihin ng Christian. Na hindi lang tayo basta naniniwala na may Diyos, o relihiyoso tulad din ng iba. Kundi yung identity natin na nakakabit kay Cristo, kaya nga Christian, si Cristo ang nasa sentro, si Cristo ang lahat-lahat. "Outside of Christ, there is nothing worth knowing” (John Calvin).
We don’t just confess that we believe in God in general, but we believe in God and how he has revealed himself in Scripture (“the testimony of God,” 1 Cor. 2:1) and in his Son Jesus (“in these last days he has spoken to us by his Son,” Heb. 1:2; “the only God [Jesus!], who is at the Father’s side, he has made him known,” John 1:18). Si Cristo ang dahilan kung bakit ikaw ay tinatawag na Cristiano.
And when we talk about Christ as our identity, hindi natin siya pwedeng ihiwalay sa Trinity. And when we talk about the Trinity, ‘wag na ‘wag mong ipalagay na ito ay tungkol lang sa doktrina. Sa katunayan, itong reminder ng identity natin (Christological as well as trinitarian) ang “only comfort” na kailangan natin ayon sa Heidelberg Catechism Question 1. Ano raw yung “only comfort in life and death” mo? Na yung buhay at kamatayan mo ay nasa kamay ng Diyos—Ama, Anak, Espiritu—I “belong unto my faithful Savior Jesus Christ…my heavenly Father…by his Holy Spirit...” Intro pa lang ng Catechism na ‘to trinitarian na. Ganun din ang structure ng Apostles’ Creed, “I believe in God the Father Almighty…and in Jesus Christ…I believe in the Holy Spirit.”

Trinitarian Faith

So, yung Christian faith natin ay trinitarian. Aside from that, isa pang feature ng Creed ay yung pagiging Christocentric (Christ-centered) nito. Sa 12 articles of faith na nakapaloob dito, six articles yung nasa sentro, tungkol kay Cristo. Hindi ito yung parang pinagkukumpetensiya natin yung three Persons of the Trinity kung sino ang pinakamahalaga sa kanila. Sa early history ng church, mas mataas ang tingin sa Diyos Ama, at tila mas mababa ang status at position ng pagka-Diyos ni Cristo. Kapag sinabi naman ngayon na Christ-centered, sasabihin ng iba, “Dapat God-centered.” But when we say “Christ-centered” hindi ibig sabihin na mas superior ang Anak sa Ama. May narinig naman ako na isang Pentecostal pastor dati na hindi raw dapat kay Cristo naka-focus ang church, dapat daw sa Holy Spirit.
Dapat alalahanin natin na ang pagka-Diyos ng bawat persona sa Trinity ay pantay-pantay. Tulad ng sinasabi sa Athanasian Creed (~450-600 AD): “The Godhead of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit is all one, the glory equal, the majesty coeternal. Such as the Father is, such is the Son, and such is the Holy Spirit…So the Father is God, the Son is God, and the Holy Spirit is God; And yet they are not three Gods, but one God.” Kaya nga nagbabaptize tayo “in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit” (Matt. 28:19). Kaya yung prayer of blessing ni Paul sa pangalan din ng triune God, “Nawa'y sumainyong lahat ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo, at ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikisama ng Espiritu Santo” (2 Cor 13:14).
Kung tinuturuan man tayo ng Apostles’ Creed na maging Christ-centered, yun ay dahil sa pagsunod sa passion na meron din si apostol Pablo. Ang hangarin niya ay walang ibang makilala at maipakilala, walang ibang maipagmalaki, walang ibang maipangaral maliban kay Cristo at sa kanyang ginawa sa krus (see 1 Cor. 2:2; Gal 6:14; 2 Cor 4:5; Col. 1:28). Kasi, tulad ng sabi mismo ni Jesus, kung pinararangalan natin ang Anak, pinararangalan din natin ang Ama (John 5:23). Ang makita at makilala si Jesus ay ang makita at makilala rin ang Ama (14:6-7). Ang sumampalataya kay Jesus ay siya ring pagsampalataya sa Ama (14:1). Kaya sinabi niya na siya at ang Ama ay iisa (10:30). At ang ministry naman ng Holy Spirit ay ilagay ang spotlight kay Jesus. Sabi niya tungkol sa Holy Spirit, “he will glorify me” (16:14). So, kung gusto nating makilala ang Ama, kailangan nating makilala ang kanyang Anak (Matt. 11:25-28). At hindi natin makikilala ang Ama at Anak kung hindi siya ipapakilala sa atin ng Espiritu sa pamamagitan ng kanyang Salita (1 Cor. 2:10, 13).
Kaya mahalaga na paglaanan natin ng ilang linggo na pag-aralan itong Christology na section sa Creed—kung sino siya, yung kanyang pagka-Diyos, yung kanyang pagiging tao, yung kanyang paghihirap, kamatayan, muling pagkabuhay, pag-akyat sa langit at pagbabalik. Ngayon, dun muna tayo ngayon sa first line ng section na yung, “And in Jesus Christ, his only Son, our Lord.” Sobrang importante nito kaya yung Heidelberg Cathechism ay tatlong Lord’s Days ang inukol dito sa linyang ito (LD 11-13, Q29-34). Sa Tagalog, “At kay Jesu-Cristo na bugtong na Anak niya, at ating Panginoon.” Sa Latin, “Et in JESUM CHRISTUM, Filium eius unicum, Dominum nostrum.”
Narito ang mga pangalan at titulo na designation para sa Panginoong Jesus. Pamilyar na pamilyar na sa atin. At yun minsan ang nagiging problema, overfamiliarity. Kaya ngayon, I hope and pray na sa paglalaan natin ng oras na isa-isahin ang mga pangalang ito, mas lumalim ang pagkakilala mo sa kanya, nang sa gayon ay may tumibay ang pananampalataya mo sa kanya.

Jesus: God Our Savior

Yung una ay yung kanyang human name: Jesus. Ito ang ipinangalan nina Jose at Maria kay Jesus hindi dahil yun ang gusto nila, o dahil nagsearch sila sa Google. Yun ang ipinasabi ng Diyos sa pamamagitan ng anghel sa panaginip ni Jose, “Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Matt. 1:21). Yun naman ang ibig sabihin ng Ieosus (Greek) o Yeshua (Hebrew). Kaparehas ng pangalan nina Joshua at Hosea. Na ang ibig sabihin ng pangalang ito ay, “The LORD/Yahweh is salvation.”
Siya ang Tagapagligtas na hinihintay at kinakailangan ng bansang Israel. Yung historical background nito ay nasa Exodus. Ilandaang taon na inalipin, inalipusta, at pinahirapan ang mga Israelita sa bansang Egypt. Pero hindi yun ang pinakaproblema nila, kundi ang pagkakaalipin nila sa kasalanan at idolatry tulad ng mga Egyptians. Kaya ang pinakalayunin ng Diyos sa kanila ay hindi para guminhawa ang buhay nila, kundi para siya’y sambahin at paglingkuran. Kaya yun ang pinasabi ng Diyos kay Moses na sabihin kay Pharaoh, “Let my people go, so that they may worship me” (Exod. 7:16; 8:1, 20; 9:1, 13; 10:3 CSB). Ito ang tunay na anyo ng kaligtasan—yung palayain sila mula sa pagkakaalipin sa kasalanan upang mapabilang sila sa Diyos. This is true freedom. Yun din ang dahilan bakit si Jesus na walang kasalanan ay namatay para sa ating mga makasalanan—that he might bring us to God (1 Pet. 3:18).
Tayo rin alipin ng kasalanan. Simula nang mahulog sa kasalanan sina Adan at Eba, nalayo tayo sa Diyos, nararapat lamang parusahan at mamatay. So, naparito si Jesus bilang katuparan ng pangako ng Diyos. Dumating siya hindi bilang isang social activist, o political liberator, para palayain sila sa pang-aalipusta ng mga Romano. He came to save them from their sins. Pero hindi nila kinilala si Jesus na Tagapagligtas na kailangan nila. Sinasabi natin, ah buti pa tayo kinikilala natin si Jesus. Pero kinikilala mo nga ba siya na tanging Tagapagligtas, o are you still looking for others to save you? Sarili mo? Ginagawa mo? Relihiyon mo? Tandaan natin, kapag sinabing Jesus our Savior, ibig sabihin only Savior, wala nang iba (John 14:6; Acts 4:12; 1 Tim. 2:5).
Yes, the name “Jesus” is his human name, pero hindi ibig sabihing siya’y basta tao lang. Sabi ng theologian na si Geerhardus Vos, “the name speaks to us of the divine omnipotence of salvation” (Reformed Dogmatics, 3:7). Wala namang tao na kaya tayong iligtas. “Salvation belongs to the Lord” (Jon. 2:9). The reason Jesus can save us from sin and bring us to God is because he is God himself, mighty to save. Do you believe that he can save? He alone can save? Do you believe that you are a sinner in need of salvation? In need of Jesus, in need of a Savior?
Is he your Savior? Siya ba ang hinahanap mo? Pinagtitiwalaan mo? Hindi mo naman matatagpuan ang kaligtasan outside of Christ. Kung hinahanap mo sa iba, sinasabi mo na hindi siya “complete Savior” (HC Q30). True faith means receiving him as complete Savior, “must find all things in him necessary to their salvation” (HC Q30). His name is Jesus.

Christ: God’s Anointed One

Next, yung name na “Christ” sa Jesus Christ. Actually, hindi ‘yan name, although yun ang nakasanayan natin. Hindi rin ‘yan surname, na para bang ang pangalan niya ay Jesus, at ang apelyido ay Christ. No. More accurately, yung “Christ” ay title, Jesus the Christ. Nung ipanganak si Jesus, sinabi ng anghel sa mga shepherds kung bakit “good news of great joy” yun: “For unto you is born this day in the city of David a Savior, who is Christ the Lord” (Luke 2:10-11). Ang ibig sabihin ng Christos (Greek) o Masciach (Hebrew, pinanggalingan ng Messiah) ay “Anointed One.”
Ang OT background nito ay yung pagpapahid ng langis. Generally, ginagamit ‘yan ‘pag may pagdiriwang o pagpaparangal, pero madalas na function nito ay i-designate ang isang tao sa “sacred office” na itinalaga sa kanya ng Diyos (Joel Beeke, Reformed Systematic Theology, 2:742). Tulad ng prophets, priests and kings. So, itong mga Israelita ay naghihintay sa Messianic King na galing sa lahi ni David na siyang madalas na binabanggit ng mga prophets. Pero yung dumating na “Cristo” ay hindi lang Hari na itinalaga ng Diyos, pero siya ring Dakilang Propeta at Punong Pari. “No one prior to Christ was anointed to all three offices, showing Christ's unique position in history” (Beeke, 2:744).
Sa Question 31 ng Heidelberg Catechism, itong three-fold office ng Panginoong Jesu-Cristo ang binigyang-diin na ibig sabihin ng “Christ”:
“Our chief Prophet and Teacher…” Katulad ng sinabi ko kanina sa simula, si Cristo ang nagpapakilala sa atin kung sino ang Ama (Matt. 11:25-28). Kaya siya tinawag na Word o Salita (John 1:1). Siya rin ang Buhay at Liwanag na nagpaparating sa atin ng buhay at liwanag na galing sa Diyos (1:4). Siya ang nagpapaliwanag kung sino ang Diyos (1:18). Patuloy siyang nagsasalita at nagtuturo sa atin ngayon sa pamamagitan ng Scripture (Heb. 1:1-2) at mga tagapagturo nito. Kaya kailangang palagi tayong makinig sa kanya at sa kanyang salita para tumibay ang pananampalataya natin (Rom. 10:17).
“Our only High Priest…” Totoong tao siya na tulad natin, pero wala siyang kasalanan na hindi tulad natin (Heb 4:15). That is why he is perfectly qualified to be our high priest. At ang kaibahan, hindi siya nag-alay ng hayop, kundi inialay niya ang kanyang sarili once for all para tubusin tayo sa ating mga kasalanan (Heb 9:12, 14, 26). Namatay siya, pero hindi nanatiling patay, kundi muling nabuhay at nananatiling buhay, “always lives to make intercession for us” (Heb. 7:25). Nagpapatuloy ang kanyang pagiging priestly mediator para sa atin, at isang araw ay babalik para ipagkaloob ang kaligtasan para sa atin (Heb 9:28).
“Our eternal King...” - Siya ang nakaupo sa trono, siya ang naghahari, at ang kaharian niya ay walang katapusan (Luke 1:32-33). Siya ang naghahari sa puso ng lahat ng sumasampalataya sa kanya, siya ang Ulo ng iglesya, nasa kanya ang lahat ng awtoridad sa langit at sa lupa. He rules today through his Word and Spirit, sabi sa Catechism, at sa pamamagitan ng Church ngayon, the Body of Christ.
Kung yun ang ibig sabihin ng titulong “Cristo,” sumasalamin din ‘yan sa ibig sabihin ng pangalang “Cristiano.” To be a Christian is to share in Christ’s anointing, to represent Christ on earth. Sabi nga, we Christians are like little christs. Oo nga’t ang mga pastors/elders ang nangunguna sa pagtuturo, panalangin, pangangalaga sa mga miyembro, at pagbibigay ng halimbawa, ito rin ay trabaho ng bawat Cristiano. You are a prophet-priest-king like Christ. “Royal priesthood” (1 Pet. 2:9), like priests and kings. “That you may proclaim...” (like prophets). So, ituro mo rin ang salita ng Diyos sa iba sa church and outside the church. Ipanalangin mo ang ibang members, pati mga non-Christians, paglingkuran mo at akayin palapit sa Diyos ang ibang members, at mga kasama mo sa bahay, sa trabaho at lahat ng ginagawa mo. ‘Yan din ang ibig sabihin when we accept and affirm our members sa church. Sinasabi natin sa buong mundo na hindi lang tinanggap niya si Jesus bilang Tagapagligtas, kundi siya ay tagasunod rin ni Cristo: “Ito ay totoong Cristiano, kinatawan ni Cristo sa mundo.” Kapag tiningnan ka ng mga tao sa mundo, si Cristo nga ba ang makikita nila sa ‘yo?

God’s Only Son

So far, nakita natin na the name “Jesus” means “Savior,” at yung title na “Christ” naman ay nag-iindicate na siya yung appointed by God to be “our chief Prophet and Teacher…our only High Priest…and our eternal King.” Siya lang, at walang nang iba, ang qualified. Bakit siya naging qualified to save us completely? Yun ang karugtong sa Creed, “And in Jesus Christ, his only Son...” Ang mga salitang ito ay nagpapakita hindi lang ng unique status ni Jesus na di tulad ng iba at nakahihigit sa iba, kundi ng kanyang relasyon sa Diyos Ama bilang Anak.
Sa older translations, “his only begotten Son.” ‘Yan naman ang eksaktong ibig sabihin ng Greek na monogenes. Tulad sa John 3:16, “bugtong na Anak.” Sa King James Version, “For God so loved the world, that he gave his only begotten (monegenes) Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.” Hindi sapat ang lenggwahe natin para lubos na maunawaan ang relasyon ng Ama at Anak. Ang Anak, dahil “begotten,” ay nanggaling sa Ama bilang kanyang origin. But we must be careful to insert human analogy here. Kasi kung ako ay anak ng aking ama, ibig sabihin kung time ang pag-uusapan mas nauna siya, mas matanda siya. Pero Diyos ang pinag-uusapan natin dito. He is eternal, hindi saklaw ng oras at panahon. Walang nauna, walang nahuli. Walang mas nakahihigit, walang mas nakakababa ng posisyon. Kaya tinatawag ito na “eternal generation.” Sa simula’t simula pa (kung meron mang simula ang eternity!) ang Anak ay Anak na ng Ama, at ang Ama ay Ama na ng Anak. Walang panahon na walang Anak ang Diyos Ama. Walang panahon na walang Ama ang Diyos Anak.
Medyo mahirap isiksik ‘yan sa limitadong pag-iisip natin, kasi nga Diyos ang pinag-uusapan natin. Pero pakinggan n’yo yung orthodox statement ng Nicene Creed, na expansion ng Apostles’ Creed, para mas maging malinaw ang relasyon ng Diyos Ama at Diyos Anak:
I believe in one God, the Father Almighty, Maker of heaven and earth, and of all things visible and invisible. And in one Lord Jesus Christ, the only-begotten Son of God, begotten of the Father before all worlds; God of God, Light of Light, very God of very God; begotten, not made, being of one substance with the Father, by whom all things were made.
Malinaw rito na ang Diyos Anak ay Diyos rin dahil siya ay Anak ng Diyos. Siya lang yung natural Son of God, tayo ay adopted children of God. Malaki ang kaibahan. Itong Council of Nicea (325 AD) ay nagtipon bilang direct response sa Arianism. Ito kasing si Arius, (256–336), elder sa Alexandria, ay nagsimulang magturo noong 313 na ang Anak ay nilikha ring tulad natin, at hindi siya “co-equal eternal Son of God.” Naniniwala silang pinakamataas na uri ng tao si Jesus, pero tao lang at hindi siya Diyos. Katunggali niya noon si Athanasius na ipinagtanggol ang biblical teaching ng Trinity na ang Anak ay “equal or same substance” (homoousios), at hindi lang “similar” o katulad na substance o essence ng Diyos (homoiousios).
Bukod sa Arianism, isa pang heresy noon ang Adoptionism. Tinatawag din itong dynamic monarchianism. Sinasabi nila na ang Anak daw ay hindi Anak from eternity. Hindi eternal, ibig sabihin, merong panahon na hindi siya Anak ng Diyos. Walang pre-existence ang Son of God. Adopted siya as Son of God dahil sa kanyang pagiging walang kasalanan. Pwedeng nagsimula siyang maging Anak ng Diyos sa kanyang baptism, resurrection or ascension. So, hindi siya equal with God. Medyo “divine” ang status niya, pero hindi “fully God.”
Ang Arianism at Adoptionism ay ilan lang sa mga heresies noon tungkol sa Anak ng Diyos. Next week titingnan pa natin yung iba. Pero mahalagang bigyang diin na ‘yan ay mga heresies, hawig sa turo ng Iglesiya ni Manalo, ng Jehovah’s Witnesses, at mga Mormons (The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints). Heresies, ibig sabihin hindi lang basta maling katuruan, kundi nakapagpapahamak na maling katuruan dahil ‘yan ay denial ng core doctrines of the Christian faith. Ibig sabihin, hindi ka maliligtas (o ang asawa mo, o ang kamag-anak mo, o ang kaibigan mo) kapag pinaniniwalaan mo na si Jesus ay tao lang at hindi tunay na Diyos na kapantay ng Diyos Ama, fully God.
Sinasabi sa Question 33 ng Heidelberg Catechism na dahil si Cristo lang ang “eternal and natural Son of God,” kaya tayo ay maituturing o maaampon bilang mga anak ng Diyos, “by grace, for his sake.” Kung si Jesus ay tao lang, at hindi tunay na Anak ng Diyos from all eternity, hindi tayo maliligtas, hindi tayo mabo-born again, hindi tayo maging mga anak ng Diyos.
If Jesus is not the eternal, only begotten Son of the Father, then we have no hope, nor any right to call God our Father in the first place. Only if he is the Son of the Father by nature can we boldly approach the throne of the Father by grace. The Father, through his Son, has accomplished our redemption, and we, as a result, are the recipients of his Son’s grace a thousand times over. (Matthew Barrett, Simply Trinity, p. 176)

Our Lord

Last, “our Lord”: “And in Jesus Christ, his only Son, our Lord.” Jesus is Lord. “There is one Lord, Jesus Christ” (1 Cor. 8:6). Sa Greek, kurios. Bagamat ang salitang ‘yan ay ginagamit commonly as a form of respectful address sa isang nasa authority, tulad ng "master" or sir" (Matt. 10:24; 13:27), kung ia-apply ito kay Cristo, it means more than that. Siya rin yung "Lord of glory" (1 Cor. 2:8), the "Lord of lords" (1 Tim. 6:15; Rev. 17:14; 19:16), and the "Lord of all" (Acts 10:36). Ito ay mga titulong nakareserba para lamang sa Diyos (Beeke, 2:752). So, when we confess Jesus is Lord, we say he is none other than God himself.
Sa Old Testament kasi, kapag makita mo ang salitang “Lord” (Adonai), tumutukoy ito sa mataas na position o authority na meron ang Diyos bilang Master. Pero mapapansin mo rin na merong all-caps na LORD o PANGINOON sa karaniwang translations. Ito naman ay yung pangalan ng Diyos, YHWH, na hindi nila mabigkas, kaya kung babasahin nila ay papalitan nila ng Adonai ang bibigkasin. Yung salin sa Greek ng Old Testament (tinatawag na Septuagint) ay Kurios ang ginamit. So, kapag sinabi ng New Testament na Jesus is Lord, equivalent ‘yan sa “Jesus is Yahweh himself.”
Sa panahon ng New Testament, ang mga ordinaryong Roman citizens ang confession nila ay “Ceasar is Lord.” Sinasamba rin kasi nila ng emperor na parang diyos. Kaya kung sama-samang magdeklara ang mga Cristiano, “Jesus is Lord,” isang political statement ‘yan, expression or declaration of allegiance na wala sa emperor kundi nakay Cristo. Identity marker ‘yan. Na siyang naging dahilan kaya namatay ang iba dahil sa pananampalataya nila. “Whether we live or whether we die we are the Lord’s” (Rom. 14:8). At yun naman ang layunin kung bakit namatay si Cristo at muling nabuhay, “that he might be Lord both of the dead and of the living” (v. 9).
Sa panahon ngayon na umiinit na naman ang usaping pulitika dahil sa mga pagpapakilala ng kakandidatong presidente sa eleksiyon next year, mahalagang alalahanin ito. Na magpalit man ng presidente, mananatili si Cristo bilang Lord of all, Lord of heaven and earth. Walang papalit sa kanya. Wala rin namang hihigit pa sa kanya. Anuman ang mangyari sa political situation sa bansa natin o sa buong mundo, Jesus remains on his throne. ‘Yan ang pag-asa natin. Nasa kanya ang tiwala natin.
Masasabi nating he is our Lord, kung sinasabi natin he is the Lord—the global and universal Lord. Na wala nang iba, siya lang talaga. At masasabi mo ring he is our Lord, kung sinasabi mo ring he is my Lord—personal na usapan ‘to, hindi pwedeng makisawsaw ka lang. Kumbaga, nadadala ka kasi maraming tao na nagsasabing “Jesus is Lord!” na para bang nasa isang rally, kaya makikisigaw ka na rin, kakanta ka na rin, “Jesus is Lord!” Pero, siya nga ba ang Panginoon na nasa puso mo? O ikaw pa rin ang nakaupo sa tronong ‘yan? At masasabi mo lang na he is our Lord, kung ikaw ay isang aktibong miyembro ng church. Kasi kung hindi, ikaw pa rin ang nasusunod. Bakit? E siya ang Head of this church. Salita niya ang dapat pakinggan at sundin. Mga utos niya na mahalin ang bawat isa at idisciple ang bawat lahi ang dapat na masunod. Dahil wala nang ibang pangalan ang mas mahalaga sa church na ito maliban sa kanya.
Philippians 2:9–11 ESV
Therefore God has highly exalted him and bestowed on him the name that is above every name, so that at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father.
Jesus, kasi Savior siya. Ang tanong, siya ba ang kinikilala mong Savior? Christ, kasi Anointed siya. Ang tanong, Cristiano ka ba? O kay Cristo ka ba? Sa kanya ba nakakabit ang identity mo? God’s only begotten Son, kasi siya ang natural na Anak magpasawalang-hanggan. Ang tanong, ikaw ba ay na-born again na at isa na sa mga itinuturing na mga anak ng Diyos dahil kay Cristo? Our Lord, kasi siya ang Panginoon na higit sa lahat. Ang tanong, kinikilala mo ba siyang Panginoon? Siya ba ang sinusunod mo?
Hindi ba’t napakahalaga nga na makilala ang Panginoong Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos? Sana masabi rin natin ang tulad ng damdamin ni Pablo, “Para sa akin, ang lahat ng bagay ay walang halaga kung ihahambing sa pagkakakilala ko kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Itinuring ko na parang basura ang lahat ng bagay makamtan lang si Cristo” (Phil. 3:8 ASD).
Related Media
See more
Related Sermons
See more